Ballot Backstory ng San Francisco at California · Bakit ito nasa aking balota?
Dalhin sa botohan
25 panukala sa balota ng San Francisco, Nobyembre 3, 2026
Markahan dito ang sarili ninyong mga pili. Maaari ninyong dalhin ang pahinang ito sa loob ng botohan.
San Francisco
- Proposisyon AMga Pagbabago sa Tsarter na Makaaapekto sa Iba't Ibang Departamento at Komisyon ng LungsodOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Ia-update ng Lungsod ang Karta nito, babawasan o aayusin muli ang ilang komisyon, papayagan ang Lupon na aprubahan ang mga kasunduan sa mga kaso (legal settlements) sa pamamagitan ng resolusyon, at kailangang amyendahan ang ilang batas na inaprubahan ng mga botante.
- HINDI
- Mananatili ang Karta gaya ng dati. Mananatili ang kasalukuyang mga komisyon at proseso, at kailangan pa rin ang pag-apruba ng mga botante para mabago ang karamihan sa mga batas na inaprubahan ng mga botante.
- Proposisyon BPagtatatag ng Municipal Finance Corporation (Pampinansiyang Korporasyon ng Lokal na Gobyerno at ng Public Bank (Pampublikong Bangko)OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Kung papayagan ng pondo, maaaring lumikha ang Lungsod ng isang nagpapautang na pag-aari ng pamahalaan. Pagkatapos ng tatlong taon ng operasyon, maaari itong humingi ng pag-apruba para maging pampublikong bangko na tumatanggap ng mga deposito.
- HINDI
- Mananatili ang Karta (Charter) gaya ng dati. Walang lokal na batas na magpapahintulot sa Lungsod na lumikha ng municipal finance corporation o pampublikong bangko.
- Proposisyon CMga Kontribusyon sa Housing Trust Fund (Pinangangasiwaang Pondo na Nakatalaga para sa Pabahay)OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Tataas sa $125 milyon ang mga bayad sa Housing Trust Fund, at pagkatapos ay hanggang 3% bawat taon hanggang 2058, na may pahintulot na ihinto o bawasan ang mga ito. Aabot na rin sa mga may mas mataas na kita ang mga pautang para sa paunang bayad.
- HINDI
- Walang pagbabago. Nag-ambag ang Lungsod ng $50.8 milyon sa Pondo noong nakaraang taon, ayon sa buod ng balota. Nakatakdang matapos ang Pondo sa 2043.
- Proposisyon DMga Pagbabago sa Proseso ng mga Panukalang-batasOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Kakailanganin ng mga petisyon para sa ordinansa at patakaran ang 8% ng mga rehistradong botante, hindi 2%, at mas marami pa para sa mga espesyal na halalan; pinapayagan ang pagbawi. Hindi makapaglalagay ng mga panukala nang mag-isa ang Alkalde o apat na superbisor.
- HINDI
- Kakailanganin pa rin ng mga petisyon para sa ordinansa at patakaran ang 2% ng mga rehistradong botante. Makapaglalagay pa rin ng mga panukala ang Alkalde o ang apat na superbisor. Hindi pa rin maaaring bawiin ang mga naisumiteng petisyon.
- Proposisyon EAng Awtoridad ng Administrador ng Lungsod at Mga Pagbabago sa Pangongontrata ng LungsodOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Magkakaroon ang Administrador ng Lungsod ng sampung-taong termino at mas maraming awtoridad. May ilang eksepsiyon, magsisimula ang pag-apruba ng Lupon sa $25 milyon na gastos o $4.5 milyon na kita.
- HINDI
- Mananatili sa Administrador ng Lungsod ang limang-taong termino at ang ibinabahaging awtoridad. May ilang eksepsiyon, magsisimula ang pag-apruba ng Lupon sa $10 milyon na gastos o $1 milyon na kita.
- Proposisyon FMga Pagbabago sa Pamamahala ng Ehekutibong SangayOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Maliban kung tututol ang Lupon, maaaring pagsamahin ng Alkalde ang karamihan sa mga departamento pero hindi maaaring alisin ang mga tungkuling nasa Karta. Pinapayagan ang mga deputy mayor o katuwang na alkalde, ang pagtanggal sa karamihan ng mga pinuno ng departamento, at ang pag-alis sa mga komisyoner nang walang dahilan.
- HINDI
- Hindi maaaring ilipat ng Alkalde ang mga tungkulin ng mga departamentong nasa Karta o tanggalin ang karamihan sa mga pinuno ng departamento. Hindi maaaring magkaroon ng mga deputy mayor ang karamihan sa mga departamentong nasa Karta. Karaniwang kailangan ng dahilan para matanggal ang mga komisyoner.
- Proposisyon GPagpapahintulot sa Pribadong mga Sasakyan sa Upper Great Highway sa Sunset Dunes ParkOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Pagkatapos ng mga pag-apruba, kabilang ang mga permit sa ilalim ng Coastal Act, maaaring gamitin ng mga pribadong sasakyan ang Upper Great Highway mula Lunes 4 a.m. hanggang Biyernes 6 p.m., maliban sa mga holiday, at sa gayon ay maisasara ang Sunset Dunes Park.
- HINDI
- Mananatili ang Sunset Dunes Park gaya ng dati: mananatiling sarado sa mga pribadong sasakyan ang dating Upper Great Highway sa lahat ng oras.
- Proposisyon HParcel Tax (Buwis sa Parsela ng Lupa) upang Mapondohan ang mga Operasyon ng MuniOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Isang bagong taunang buwis sa real estate (isang Parcel Tax o Buwis sa Parsela ng Lupa) ang magbabayad para sa serbisyo ng Muni mula Hulyo 2027 hanggang Hunyo 2042.
- HINDI
- Walang malilikhang Parcel Tax (Buwis sa Parsela ng Lupa). Patuloy na popondohan ang serbisyo ng Muni ng pamasahe at ng mga lokal, pang-estado at pederal na mapagkukunan, gaya ngayon.
- Proposisyon IMga Pagbabago sa Real Property Transfer Tax (Buwis sa Paglilipat ng Pagmamay-ari ng Ari-arian)OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Kalahati ng transfer tax sa ilang bentahan ng ari-arian na higit sa $10 milyon ay mapupunta sa isang bagong pondo para lang sa abot-kayang pabahay at tulong sa pabahay.
- HINDI
- Ang pera mula sa transfer tax sa mga bentahang higit sa $10 milyon ay maaari pa ring mapunta sa anumang layunin ng Lungsod. Maaaring bawasan ng mga Superbisor ang buwis nang walang pag-apruba ng mga botante.
- Proposisyon JPagtatanggal ng Foreclosure Exemption (Eksempsiyon Batay sa Pagkakaremata ng Ari-arian) sa Real Property Transfer TaxOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Simula Marso 2027, ang mga nagpapautang na kumukuha ng komersiyal, industriyal, malalaking residensiyal at kauring mga gusali sa pamamagitan ng foreclosure, o para maiwasan ito, ay magbabayad ng transfer tax batay sa buong halaga.
- HINDI
- Ang mga nagpapautang na kumukuha ng anumang ari-arian sa pamamagitan ng foreclosure, o para maiwasan ito, ay mananatili sa kasalukuyang bawas sa buwis. Ang presyong lampas sa utang lang ang binubuwisan.
Rehiyon ng Bay Area
- Panukalang Rehiyonal RTMPanukala sa Panrehiyong TransportasyonOO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Ang OO ay nangangahulugang buwis sa pagbebenta para sa pampublikong transportasyon na tatagal nang 14 na taon: 1% sa San Francisco, 0.5% sa apat na iba pang county. Tinatayang makalilikom ng humigit-kumulang $980 milyon bawat taon.
- HINDI
- Ang HINDI ay nangangahulugang walang bagong buwis sa pagbebenta para sa pampublikong transportasyon. Mananatiling pareho ang mga rate, at hindi makukuha ng BART, Muni, Caltrain at iba pang ahensiya ng pampublikong transportasyon ang perang ito.
California
- Proposisyon 1Pinahihintulutan Ang Mga Bono Para Sa Mga Programa Sa Pagiging Abot-Kaya Ng Pabahay. Batas Ng Lehislatura.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Maaaring humiram ang estado ng $11.25 bilyon sa pamamagitan ng mga bono (babayaran nang may interes): $10 bilyon para sa mga programa sa pabahay, karamihan ay paupahan, at $1.25 bilyon para sa mga pautang sa bahay ng mga beterano.
- HINDI
- Hindi maaaring humiram ang estado ng $11.25 bilyon na ito, at hindi ito magbabayad ng $500 milyon hanggang $600 milyon bawat taon para bayaran ang $10 bilyon na bahagi nito para sa pabahay.
- Proposisyon 2Pinapataas Ang Pondong Nakalaani Ng Estado Para Sa Panahon Ng Pangangailangan. Konstitusyonal Na Amyenda Ng Lehislatura.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Magpapatuloy ang mga deposito sa rainy day fund hanggang umabot ito sa 20% ng mga buwis ng Pangkalahatang Pondo (hindi 10%) at hindi ito sasaklawin ng limitasyon sa paggastos hanggang mailabas. May dagdag na bayad sa utang hanggang 2040.
- HINDI
- Magpapatuloy ang mga deposito sa rainy day fund hanggang umabot ito sa 10% ng mga buwis ng Pangkalahatang Pondo at ibibilang ang mga ito sa limitasyon sa paggastos. Magiging opsiyonal ang dagdag na bayad sa utang pagkalipas ng 2030.
- Proposisyon 3Nagbibigay Ng Permanenteng Pagpopondo Para Sa Mga Paaralan At Pangangalagang Pangkalusugan Sa Pamamagitan Ng Pagpapalawig Ng Kasalukuyang Buwis Sa Mga Mataas Ang Kita. Konstitusyonal Na Amyenda Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Mananatili ang pinakamataas na rate na 10.3% hanggang 12.3% sa kitang lampas sa mga $371,000 para sa mga nag-iisang nagpa-file ($742,000 para sa magkasamang nagpa-file; mga antas ng 2025, isinasaayos ayon sa implasyon), sa halip na bumaba sa 9.3% pagkalipas ng 2030.
- HINDI
- Pagkalipas ng 2030, bababa sa 9.3% ang rate sa kitang lampas sa mga $371,000 para sa mga nag-iisang nagpa-file ($742,000 para sa magkasamang nagpa-file; mga antas ng 2025, isinasaayos ayon sa implasyon), mula sa 10.3% hanggang 12.3% sa ngayon.
- Proposisyon 4Pinapawalang-Bisa Ang Pagbabawal Laban Sa Pampublikong Pagpopondo Ng Mga Kampanya Sa Halalan. Batas Sa Lehislatura.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Maaaring lumikha ang mga pamahalaan ng estado at lokal ng mga programa ng pampublikong pagpopondo para sa mga kampanya ng mga kandidato, sa loob ng mga patakarang itinatakda ng panukala. Matitriple ang pinakamataas na multa para sa mga kontribusyon sa kampanya mula sa ibang bansa.
- HINDI
- Mananatili ang pagbabawal sa pampublikong pera para sa karamihan ng mga kampanya ng estado at lokal. Mapapanatili ng mga lungsod na may Karta (charter city) tulad ng San Francisco ang kanilang mga programa. Hindi magbabago ang mga multa para sa kontribusyon mula sa ibang bansa.
- Proposisyon 5Binabago Ang Proseso Ng Halalan Na Pagpapaalis Para Sa Mga Opisyal Sa Buong Estado. Konstitusyonal Na Amyenda Ng Lehislatura.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Pagpapasyahan lamang ng mga recall ang pagtanggal sa puwesto; pupunuin ang puwesto sa pamamagitan ng pagtatalaga, ng halalan sa ibang pagkakataon o ng Tenyente Gobernador. Maaaring tumakbo ang opisyal sa isang espesyal na halalan, pero hindi maaaring italaga.
- HINDI
- Mananatili sa mga balota ng recall ang dalawang tanong: kung tatanggalin ang opisyal, at kung sino ang papalit sa opisyal kapag natanggal ito. Kapag natanggal, ang nanalo sa ikalawang tanong ang uupo sa puwesto.
- Proposisyon 37Gumagawa Ng Programa Ng Pautang Para Sa Mga May Katamtamang Kita Na Bumibili Ng Mga Kwalipikadong Bagong Bahay. Batas Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Maaaring magbenta ang ahensiya ng California sa pananalapi para sa pabahay, ang CalHFA, ng hanggang $25 bilyon na bono para pautangin ang mga mamimiling may katamtamang kita ng hanggang 17% ng presyo ng isang bagong bahay.
- HINDI
- Hindi maaaring ibenta ng CalHFA ang mga bonong ito. Walang malilikhang bagong programa ng pautang para sa paunang bayad (down payment) sa bagong bahay. Mayroon nang ilang programa ang CalHFA na tumutulong sa paunang bayad.
- Proposisyon 38Pinahihintulutan Ang Mga Bono Para Sa Medikal Na Pananaliksik Sa Immunology. Batas Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Maaaring magbenta ang estado ng $8.4 bilyong bono para sa pananaliksik sa immune system. Mga kalahati ang mapupunta sa isang institusyon ng pananaliksik at kalahati sa mga grant para sa pananaliksik.
- HINDI
- Walang bonong $8.4 bilyon o taunang pagbabayad na $500 milyon hanggang $600 milyon (pagtatantiya ng LAO). Walang institusyon, konseho para sa mga grant o (sa pangkalahatan) 20 porsiyentong diskuwento para sa mga pasyente sa California.
- Proposisyon 39Pinagbabawalan Ang Mga Mamamayan Na Bumoto Maliban Kung Magpapakita Sila Ng ID Na Inisyu Ng Pamahalaan. Konstitusyonal Na Amyenda Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Dapat magpakita ng ID mula sa pamahalaan ang mga personal na bumoboto. Para bumoto sa koreo, dapat pumili ang mga botante ng isang ID; bibilangin lamang ang mga balota kung makikita sa mga sobre ang huling apat na numero nito.
- HINDI
- Patuloy na magpapakilala ang mga botante sa pamamagitan ng pagpirma. Karaniwang pumipirma ang mga personal na bumoboto sa isang listahan ng mga botante, at pumipirma ang mga bumoboto sa koreo sa sobre ng kanilang balota.
- Proposisyon 40Nagpapataw Ng Isang Beses Na Buwis Sa Ilang Partikular Na Nagbabayad Ng Buwis. Konstitusyonal Na Amyenda At Batas Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Ang mga bilyonaryo sa California (mga residente noong Enero 1, 2026) ay magbabayad ng isahang-beses na buwis ng estado na 5% sa netong yaman, na susukatin sa Disyembre 31, 2026, karamihan para sa pangangalagang pangkalusugan.
- HINDI
- Walang isahang-beses na buwis sa netong yaman. Ang mga taong may yaman na higit sa $1 bilyon ay patuloy na magbabayad ng buwis sa kita ng estado gaya ngayon.
- Proposisyon 41Ipinagbabawal Ang Mga Bagong Buwis Ng Estado Na Hindi Isinasama Ang Mga Kita Mula Sa Limitasyon Sa Paggastos Ng Estado. Nangangailangan Ng Mga Pagsusuri Para Sa Mga Bagong Espesyal Na Buwis Ng Estado. Konstitusyonal Na Amyenda Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Mapapawalang-bisa ang mga buwis ng estado na isinabatas pagkatapos ng Enero 1, 2026 na nagbubukod ng mga kita mula sa limitasyon sa paggastos. Saklaw ng mga audit ang mga iminumungkahi at bagong programa ng espesyal na buwis.
- HINDI
- Maaari pa ring hindi isama sa limitasyon sa paggastos ang ilang paggastos mula sa mga bagong buwis ng estado. Walang hihinging bagong audit ng mga programa ng espesyal na buwis.
- Proposisyon 42Ipinagbabawal Ang Mga Bagong Buwis Ng Estado Sa Personal Na Ari-Arian At Ilang Partikular Na Retroaktibong Buwis Ng Estado. Konstitusyonal Na Amyenda Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Ipinagbabawal ang mga bagong buwis ng estado sa pagmamay-ari ng mga pinansiyal na asset o iba pang personal na ari-arian na isinabatas o magiging epektibo sa o pagkatapos ng Enero 1, 2026. Nililimitahan ang mga buwis na umaabot pabalik sa mga nakaraang pangyayari.
- HINDI
- Walang bagong limitasyon. Maaari pa ring lumikha ang estado o ang mga botante ng mga bagong buwis sa pagmamay-ari ng mga pinansiyal na asset o iba pang personal na ari-arian, o sa mga nakaraang pangyayari.
- Proposisyon 43Nililimitahan Ang Kakayahan Ng Mga Botante Na Taasan Ang Mga Kita Para Sa Mga Serbisyo Ng Lokal Na Pamahalaan. Konstitusyonal Na Amyenda Ng Lehislatura.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Ang mga bago, itinaas, o pinalawig na lokal na espesyal na buwis (mga buwis para sa isang partikular na layunin) na iminumungkahi ng mga botante ay mangangailangan ng dalawang-katlong boto, simula Enero 1, 2027.
- HINDI
- Walang pagbabago. Maaari pa ring maipasa sa mayoryang (higit sa 50%) boto ang mga lokal na espesyal na buwis na iminumungkahi ng mga botante, gaya ng pinahintulutan ng mga kamakailang desisyon ng korte.
- Proposisyon 44Inaatasan Na Gastusin Ng Mga Klinika Sa Kalusugan Ng Komunidad Ang 90% Ng Kita Sa Mga Serbisyo Sa Programa. Batas Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Dapat gastusin ng mga nonprofit na federally qualified health center ang hindi bababa sa 90% ng kita sa "mga serbisyo ng programa" ayon sa pagpapakahulugan ng Attorney General, o magbayad ng mga multa. Posible ang pansamantalang waiver.
- HINDI
- Walang bagong minimum sa paggastos o multa. Iniuulat ngayon ng mga klinika na gumagastos sila ng average na mga 80% ng kita sa pangangalagang pangkalusugan, bagaman nag-iiba-iba ito.
- Proposisyon 45Binabago Ang Pagsusuri Sa Kapaligiran Para Sa Ilang Partikular Na Proyekto. Batas Sa Inisyatiba.OO HINDIPara pumasa: mahigit kalahati ng boto May mga panukalang kailangan ng 55% o dalawang-katlo ng boto para pumasa. Simpleng mayorya lang ang kailangan nito.
- OO
- Para sa mga proyektong "essential" (mahalaga) (kabilang ang karamihan ng pabahay, transportasyon, tubig, kalusugan), nagtatakda ng mga deadline sa pagsusuri at sa mga demanda; nililimitahan ang mga kinakailangang alternatibo at ang mga ebidensiya at kautusan ng korte. Opsiyonal para sa mga aplikante.
- HINDI
- Mananatili ang kasalukuyang mga patakaran ng CEQA. Dapat isaalang-alang ng mga detalyadong ulat sa kapaligiran (kapag kailangan) ang maraming alternatibo. Maaaring ipatigil ng mga korte ang buong proyekto kung hindi nasunod nang tama ang CEQA.